cover to cover

cover to cover

"So now i say goodbye to the old me, its already gone"

Balance this equation: _FeCl3 + _NaOH —-> _Fe(OH)2 + _NaCl

Lahat kami natagalan dyan sa question na yan..Wala ata nakakuha sa amin ng tamang sagot dyan haha..

Si ma’am lang ang nakakaalam ng sagot dyan.

SANA IBONUS NA LANG hahaha. 

O kay bilis ng araw

exam na naman sa wednesday. Parang kailan lang ako nagpakapuyat sa pag-aaral tapos ito naman kaagad exam na. At ang sabi ng mga teachers bonggang bongga ang hirap ng exam. Pinagmamalaki pa nila eh hahaha. Hindi na naman ako magoonline ng ilang araw jusko day..Tapos may project pang kasabay. Hay buhay nga naman.

Moment of truth

Binigay na ng adviser namin ang exam namin sa Filipino para papirmahan sa magulang (bakit pa kailangan yan eh ‘di na kami elementary). Bigla kong naalala kanina, (shocks, patay, bakit bigla pang pumasok sa utak ko yan.) kinabahan ako kasi ang baba ko dun 84% lang ang nakuha ko dun. Ang gusto kasi nila mama na ang pinakamababa ko lang na grade sa exam ay 90%, pag 89 pababa, wala na mababa na yun o bagsak na ayon sa standards nila.

Moment of truth na kabado na talaga ako, wala na tong urungan bukas na rin ito ibibigay bahala na, yan ang nasa isip ko. Pagbaba ko galing kwarto ay nakatingin ako kay mama at nakangiti sa kanya, tapos nakita niya na may hawak akong papel, sabi niya sa akin,”Ano na naman yan?”. Sabi ko, “pirmahan mo nga, exam ko yan kailangan papirmahan daw sa magulang”. Tiningnan ni mama at ako’y kinakabahan sa kung ano ang sasabihin niya.

Ayan nagcomment na si mama, “Bakit ang baba mo dito, 84 ka lang, ano ba to NCAE?” sabi ko,”Filipino yan”, bumanat na naman si mama,”Eh Filipino lang pala yan eh, bakit ang baba mo?” sabi ko na lang, “aba ang hirap kaya niyan”.

Biglang umepal naman si papa, tinanong si mama “ano yan, permit?”. Sabi naman ni mama, “Hindi exam niya ‘to, ang baba nga eh 84 lang” Tanong ni papa kung saan subject sabi ni mama sa Filipino at nagcomment si papa sa akin, “ano ba yan Filipino lang yan, ang baba pa ng nakuha mo.” Hindi na ako kumibo, sa isip ko kaya mo kayang sagutan yan sa loob ng 40 minutes lang.

Tinitingnan pa ni mama ang test paper ko at binabasa pa ang tanong na kung saan mali ang sagot ko, nainis na ko, sabi ko “pirmahan mo na nga yan, kahit pa tingnan mo yan di mo na rin yan mababago” Ayun pinirmahan na ni mama.

Papunta na ako sa kwarto at bumanat nanaman si mama, “Nasaan pa yung iba mo pang test paper?” sabi ko, “ito lang ang ibinigay sa amin eh”. Kinukulit pa niya ako kung ano ang grade ko nung mga nauna kong exam sinabi ko na lang na hindi ko tanda para palusot, matigil lang ang pangungulit niya.

 Jusko, ano naman kaya ang comment nila sa iba pang exam ko? may exam pa akong mas mababa pa dyan sa Filipino, aabangan ko na lang yan hahaha.

Iniyakan ko ang EXAM

First time lang yun in my life..umiyak ako dahil sa exam. Naranasan ko naman ang bumagsak sa exam..74 ako sa biology at 65 sa music pero hindi ako umiyak..

Kasi nakakapanghinayang naman eh..alam na alam mo kung paano sagutan pero di mo nasagutan lahat.

Isang page sa exam ng statistics di ko nasagutan. Doon talaga ako naghihinayang..alam na alam ko kung paano tuusin kasi sinulat namin sa index card yung mga formula pero wala..

May reklamo lang ako doon sa exam namin..una multiple choice tapos show your solution..aba dapat ginawa na lang niyang problem solving..ikalawa kulang na kulang yung time namin..40 minutes lang kada exam eh baka less than 40 minutes yun eh kasi nakain na ng oras sa Filipino..Hindi ko naman pwedeng ibasta basta sagutan ang Filipino kasi kailangan mo talagang ianalyze ung tanong..tapos yung sinabi sa amin ng teacher namin na 5 minutes na lang..eh di gahol na gahol na..bigla naman pumunta ung teacher namin sa stats. at sinabi na pwede na kahit hindi na show your solution..ah takte naman..

At may dalawang question doon..paulit ulit ako doon eh..tapos wala yung tamang sagot sa pamimilian..sabi ng mga kaklase ko mali daw ang value ng n na binigay ng teacher namin..aarrggghh..

habang nagtutuos ako eh mura ako nang mura eh..nilalagnat pa ako noong araw na iyon tapos sira pa ang desk ko..

Tapos noong sinabi ng teacher namin time’s up na..ahh lahat ng kaklase ko nanghuhula na pero ako di na nakapanghula kasi sa isip isip ko ang liit din naman ng chance na tama ang sagot mo doon at halatang nanghula ka kasi walang solution kaya ayun kahit masakit sa loob ko pinasa ko na..

At masaklap pa kaya ako napaiyak..Ipapakita pa sa magulang ang test paper at papipirmahan. Sermon na naman ang aabutin ko sa kanila

Ano kaya ang grade ko doon..parang ayaw ko nang pumasok sa monday eh kasi checking