cover to cover

cover to cover

"So now i say goodbye to the old me, its already gone"

Akala ko naman okay na…

Bertdey ko na sa sabado, uh! ang bilis eh.. At pupunta ang mga U.C. sa bahay namin upang magfarti hahaha…syempre kelangan may handaan..

Kanina tinanong ko si mama tungkol dyan at kung anong oras ko sila papupuntahin. Pumayag naman siya. Sabi nya 2pm. Eh di ako okay na wala nang aalahanin kasi pumayag na si mama.

Tapos nung pumunta sya sa salas, tinanong ako kung ano ang ihahanda niya, sabi ko bahala na siya. Eh nandoon si papa at bumanat na naman. Sabi nya “wag mo na silang lang papuntahin at sabihin wala kang handa.” 

Chenes naman eh. Ngayon nga lang ako nagrequest sa kanila na maghanda at ang last birthday ko na naghanda ako nung 7years old ako. buti nga sabi ni mama maghahanda daw siya kasi minsan lang naman ito.  

Sa mga desisyon laging kontra si papa sa amin. Ni pamamasyal nga lang sa mall eh kokontrahin pa niya. 

Ayun sana nga pumayag na siya. Pero sa tingin ko papayag rin yon kasi kinontra siya ni mama hahaha..Sana nga..

"Kung bumanat ka dyan, banat na banat."

Sinabi yan ni ruffa. Hahahaha, bigla ko na lang yan pumasok sa isip ko. LOL.

Photographic t-shirt printing is finished oh yeah party party!!

Yehey! tapos na namin ang t-shirt printing pero syempre katakut-takot na problema ang pinagdaanan namin bago ito natapos. (in bullets)

  • Naiwanan namin ang textile paint sa school. (Buti na lang dala ko yung i.d. ko kasi naisip ko yan kagabi eh) Punta kami doon, ang problema di kami pinayagan ng guard kahit anong pakiusap sa amin sabi nya sarado ang room namin pero hindi kami naniniwala dun. Parang ang kulang na lang sabihin niya na umalis na kami sa school. Ang kinainis ko dun nang may nagtanong sa guard kung ano ang kailangan namin tapos kumanta yung guard,”kailangan ko ikaw…” ahh nabwisit talaga ako sa kanya eh. Gusto na siyang murahin. Buti na lang dumating si ate jewel at sa kanya namin pinakuha.
  • Pumunta kami sa vernies (doon daw nakabili ang ibang naming kaklase eh), shet, puro xl na lang daw ang nandoon. Tapos naghanap muna kami ng photo emulsion sa mga nagtatatak, jusko ayaw nilang ibenta. 
  • Pumunta naman kami sa dun sa lugar na puro damit ang tinitinda. Doon na rin kami nakabili ng photo emulsion at doon na rin yung t-shirt. Ang problema yung t-shirt ay 140 pesos ang isa eh ang budget namin ay isang daan lang..Ayun abono na sina ruffa at elena para mabili lang yung t-shirt (ako hindi kasali kasi 15 pesos na lang ang pera ko)
  • Nakipagtalo pa ako sa jeepney driver. Aba 15 daw ang bayad sa pamasahe eh ang sabi namin 12 pesos lang. Talagang pinandigan ko talaga na 12 pesos lang ang bayad namin at ayun pumayag na sila (doon na nasaid ang pera ko, WTF)
  • Nag-alala kami doon sa mga kasamahan na umalis naman (pahinga daw muna kami) kasi ang tagal nila at tinatawagan na nga sila ng tatay ni alaine pero walang nasagot. Wala kaming ginawa kundi kumain na kumain haha.
  • Okay na wala na problema, printing na kami.
  • Habang pinatutuyo yung t-shirt, gumagawa na kami ng kalokohan, nagawa ng video, tapos nanononood kami ng mga video sa youtube. Pinanood sa akin ni alfonso yung kill bill. WOOOO ANG GONDO.
  • Tapos na printing namin yehey tapos uwian na.

Worth it naman ang hirap, gastos, pagkabad trip, at pagod kasi maganda naman ang kinalabasan.

say the magic word “BELEKOY”

September 23, 2011 12 ng tanghali.. di ko yan malilimutan..

Sinabi ni Jenine ang salitang “belekoy”  UMAYGAD Shocks talaga di ko eexpect na masasabi niya iyon..

Pinakiusapan  ata nina Alaine at Christine kay Jenine na sabihin iyon bilang b-day gift sa kanila..Eh di iyon..tinawag kami..sasabihin daw ni Jenine ang magic word..nakaready na ang mga cellphone para irecord hahaha…excited lahat..

Ang dami dami pa niya sinabi..at sa bandang huli talagang narinig ng dalawa kong tainga ang sinabi niya kahit mahina “belekoy bye bye" sabay alis..oh my gosh natutuwa na di makapaniwala ang naramdaman ko nun eh hehehe…

Hindi ko alam kay Jenine kung ano ang meron sa belekoy at ayaw niya iyon sabihin pati ang salitang tae  di nya masabi at never ko narinig na siya ay nagmura kahit magtri-three years na kaming magkatabi (yes, since first year siya na ang katabi ko hanggang ngayon.. sabi niya sana nga daw hanggang 4th year magkatabi pa rin kami hahaha, ‘di na nagsawa eh hehehe)

Yun lang..